VP Sara Duterte – nagsalita na matapos ang mga pahayag ng First Lady laban sa kaniya

May karapatan si First Lady Liza Araneta-Marcos na makaranas ng sama ng loob at galit.

Ito ang naging pahayag ni VP Sara Duterte sa isang video message hinggil sa mga naging unang pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos laban sa kaniya.

Sa kabila nito – sinabi ni Duterte ang mga personal na damdamin daw ng First Lady ay wala raw kinalaman sa kaniyang mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan.

Dahil dito – magkakaroon daw siya ng isang pribadong usapan kasama si Pangulong Bongbong Marcos para talakayin ang isyu, at kung ano ang mga susunod nilang hakbang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *