BuCor, naghain na ng plunder, malversation at graft complaints laban kay Bantag at iba pa

Naghain na si Bureau of Corrections Officer-in-Charge Gregorio Catapang ng isa pang round ng criminal complaints laban kay suspended BuCor chief Gerald Bantag at iba pang mga opisyal, pero sa pagkakataong ito ay para na sa plunder, malversation, at graft.

Ang mga kapwa akusado ni Bantag ay sina Correction Inspector (CINSP) Ric Rocacurba, Correction Technical Superintendent Arnold Guzman, CINSP Solomon Areniego, Correction Technical Officer (CTO) Jor-el De Jesus, CTO Angelo Castillo, at CTO Alexis Catindig.

Sa kanyang reklamo, inaakusahan ni Catapang si Bantag at anim na iba pa ng falsification ng official documents at gawa-gawang construction bids para ilaan ang P273,046,177.33 sa BuCor funds noong Sept. 2020.

Kaugnay nito, sinampahan din ang naturang grupo ng administrative cases ng grave misconduct at dishonesty na may kaugnayan sa criminal complaints.

Ang misappropriated funds ay sinasabing kinuha mula sa tatlong construction contracts para sa prison facilities sa Davao at Iwahig Prisons and Penal Farms, at sa Leyte Regional Prison, na tinatayang nasa P300 million bawat isa. Sinasabing bumuo si Bantag ng BuCor Bidding and Awards Committee (BAC) para igawad ang naturang proyekto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *