Babae sa Mexico binansagang “Vampire Women” dahil sa kakaibang itsura nito

KAKAIBA ang isang babae sa Mexico na si Maria Jose Cristerna Mendez dahil nagmistulang bampira ang kanyang wangis  matapos ang  samut-saring modifications sa kanyang mukha at katawan dahilan upang  tawagin siyang  “Vampire Women “at kilalanin ng Guinness na babaeng  may pinaka maraming body modifications sa bilang na 49 noong 2012.

Sinabi naman ni Mendez na aminadong nanggaling siya sa isang relihiyosong pamilya   kaya ganun na lamang ang tutol  ng kaniyang ama sa  nung una, ngunit sa kabila nito ang ama niya rin mismo ang nagdala sa kanya sa isang tattoo studio para sa kanyang unang tattoo.

Samantala kinuwento naman ni Mendez kung paano     siya humantong sa  ganitong sitwasyon ayon sa kanya ,ito ay  dahil sa 10 year toxic marriage na kanyang pinagdaanan kung saan naranasan niyang abusuhin at mag dusa mentally, physically, at emotionally kaya ngayon sinabi ni Mendez na “The only way to escape from violence and abuse is by loving yourself. We came to this world to be happy”,dagdag pa niya na “I don’t care what people think about me. I put myself in first place. I know who I am and that is what is important”. 

Binigyang diin din ni Mendez na ang kanyang mga modifications ay tanda na kinaya niya ang kanyang masalimuot na nakaraan kung saan ang bawat isa nito ay nagrerepresenta sa kanyang personality, authenticity, and renaissance as a woman.

Ibinahagi naman ni Mendez ang ilan sa mga paborito niyang modifications sa kanyang katawan, ito ay ang transdermal implants sa kanyang noo, dibdib, at mga braso, dental implants, multiple piercings sa kanyang bibig, ilong, tainga, belly button at nipples.

Sa ngayon, ipinahayag naman ng pamilya at mga kaibigan ni Mendez kung gaano nila ipinagmamalaki ang babaeng nakikita nila ngayon kanya.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *