BuCor OIC Catapang sa mga bagong opisyal – ‘turukan ko kayo ng anti-corruption vaccines’

Pinangunahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Acting Director General Gregorio Catapang Jr. ang oath taking ceremony para sa mahigit limang daang bagong correction officers.

Kaugnay nito, may paalala kaagad si Catapang sa mga newly hired correction officers, aniya, iwasan ang kurapsyon.

Ginawa ni Catapang ang pahayag matapos ang mga naging alegasyon at mga hindi inaasahang pangyayari sa BuCor.

Binigyang diin ng opisyal na dapat pagka-graduate ng mga ito, hindi sila magiging kurap sa pagbabantay sa mga persons deprived of liberty o PDL.

Bukdo dito, nagbiro pa si Catapang na tuturukan niya ng anti-corruption ang mga bagong hired na correction officers.

Batay sa datos, nasa kabuuang 533 ang mga bagong correction officers kung saan 329 dito ang babae habang 204 naman ang lalaki.

Pinakaramarami naman sa mga ito ay mga criminologist at mga licensed teachers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *