Bulan SK Federation president, pabor na mabigyan ng honorarium ang iba pang mga SK officials

Pabor si Bulan SK Federation President Edward Calupit sa bagong batas kung saan makatatanggap na rin ng honorarium ang mga SK Kagawad, Treasurer at Secretary.

Ayon dito, isa kasi itong magandang hakbang upang maobliga ang nasabing mga opisyal na gawin at gampanan ang kanilang mga tungkulin sa barangay.

Magiging daan din umano ito upang ganahan ang nasabing mga opisyal na gawin ang kanilang mga trabaho bukod pa sa mataas na morale na maibibigay nito sa kanila.

Paliwanag pa ng opisyal, bilang mga volunteers ay walang natatanggap na kompensasyon ang mga ito na parang hindi naman patas dahil naglalaan din ang mga ito ng oras at pagod sa kanilang mga trabaho kung saan silang mga SK Chairman na umano ang karaniwang gumagawa ng paraan upang mabigyan ang mga ito ng kahit kaunting honorarium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *