Bureau of Animal Industry, pinaiiwas ang publiko sa pagbiyahe ng mga domesticated birds

Pinayuhan ng Bureau of Animal Industry ang mga lahat na iwasan munang mamili at magbiyahe ng mga domesticated birds kabilang ang manok, pato, pugo at iba pa.

Ito ay para maiwasan ang posibleng pagkalat ng H5N1 o bird flu sa mas malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay Bureau of Animal Industry Dir.Reildrin Morales, una nang ipagbawal ang pagtatawid ng mga poultry sa ibang mga rehiyon pero hindi ang sa loob lang ng ibang probinsya.

Ganunpaman, sinabi ni morales na iwasan muna kahit na ang pagbili ng maramihang bilang ng mga manok at iba pang domesticated birds kahit sa ibang bayan para lalong lumiit ang tiyansa ng pagkalat ng bird flu.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'KAPAG TOOTHACH NA ANG UMIINDA, SIRA AGAD ANG ARAW! PARACETAMOL FAST IBUPROFENEPARACETAMOL IBUPROFEN RELAX MAG-FAST FAST RELAX, ORA MISMO! IF IF SYMPTOMS PERSIST, CONSULT YOUR DOCTOR. DOCT'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *