Mahigit 300 campaign materials, nasampolan sa unang lunsad ng Oplan Baklas sa Olongapo

Binaklas ng Comelec, DPWH at Olongapo City Police Office ang mahigit tatlongdaang campaign materials sa iba’t-ibang lugar sa Olongapo.

Ito ay matapos ang isinagawang Oplan Baklas noong Sabado, March 26 matapos na makitang nakalagay sa mga hindi pinapayagang lugar.

Matatandaan, na bawal ang paglalagay ng mga campaign poster sa mga puno, poste ng ilaw, kawad ng kuryente, eskwelahan, waiting shed, side walk, traffic signs, barangay hall, health centers at iba pang public buildings maliban na lamang kung kabilang ito common poster area.

Samantala, ayon kay City Election Officer Atty. Joie Macam, umabot sa mahigit 300 na campaign poster na wala sa common poster areas ang binaklas na kinabibilangan ng mga party list, local at national candidates.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person, strawberry and text that says 'MAXAN Mangos Mangoste ISA KA RIN BA SA NANGHIHINA NGAYONG PANDEMYA? Shop now! Lazada'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *