Bureau of Quarantine, tiniyak ang mahigit na screening para maiwasan ang monkeypox

Siniguro ng Bureau of Quarantine na nakalatag ang lahat ng mga hakbang para masigurong maagapan ang posibilidad ng pagpasok ng monkeypox sa bansa.

Ito ay sa gitna ng paglilinaw ng Department of Health na hindi pa rin kinakailangang maghigpit ng mga border ng bansa mula sa mga lugar na mayroon nang kumpirmadong kaso nito.

Ayon kay BoQ director Roberto Salvado, mula pa lamang ng i-deklarang global health emergency ang naturang virus ay kaagad na silang nag-alerto.

Aniya, mula pa lang sa coutnry of origin ay mayroon na kaagad na mahigpit na screening procedure.

Mas mahigpit din aniya ang pag-momonitor sa isang traveller lalo na kung ang pinaggalingan nitong bansa ay marami nang mga kaso ng monkeypox.

Sakali man aniyang mayroong makitaang skin lesions ay kaagad na itong ipadadala sa RITM para sa pagsusuri at isolation.

Bago ito, una nang sinabi ng DoH na ang lone case ng monkeypox sa bansa ay gumaganda na ang kalusugan ngunit nagpapatuloy pa rin ang kanyang isolation.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *