Cable cars nakikitang solusyon ng isang Senador sa problema sa trapiko sa Metro Manila

Iminungkahi ni Senator Robin Padilla ang establishment ng cable cars, bilang paraan para matugunan ang traffic congestion, lalo na umano sa Metro Manila.

Ang pahayag ni Padilla, ay matapos ang panawagan ni Senator JV Ejercito na pagandahin pa ang railway system sa bansa, sa harap ng matinding trapikong nararanasan.

Ayon sa mambabatas, nauuso ang paggamit ng ropeway sa ibang bahagi ng mundo at maaari itong bagay sa Pilipinas, lalo na sa Metro Manila.

Giit ng senador, ang masamang trapiko ay nagdudulot ng hindi sapat na development ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.