Capalonga tanging bayan sa Camarines Norte na naka 50 percent na ng COVID- 19 vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11

Nangangalahati na ang bayan ng Capalonga sa kanilang vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11 taong gulang.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center sa 3, 775 na target population sa naturang age group nasa 1, 916 o 50. 8 percent ang nabakunahan na kontra covid- 19.

Habang ang ibang mga bayan ay mababa pa ang vaccination coverage sa naturang age group.

Sinusundan ang Capalonga ng Basud na mayroong 34. 0 percent accomplishment.

Sa target na 4, 805 nasa 1, 632 ang nabakunahan.

Ang San Vicente naman ay mayroong  32. 3 percent vaccination coverage makaraang makapagbakuna ng 393 sa target na  1, 217.

Kapwa mayroong 27. 4 percent namang vaccination coverage ang San Lorenzo Ruiz at Talisay

Sa target na 1, 647 sa San Lorenzo Ruiz nasa 452 ang nabakunahan habang ang Talisay ay nasa 829 sa target na 3, 028.

Ang bayan ng Mercedes ay mayroong  26. 9 percent vaccination coverage makaraang makapagbakuna ng 1, 601 sa target na 5, 956.

Ang Daet ay nasa 20. 5 percent pa lang sa naturang age group ang nababakunahan.

Sa target na 12, 282 nasa 2, 513 ang nabakunahan.

Ang Vinzons ay mayroong 18. 6 percent, Jose Panganiban 12. 0 percent, Sta Elena 9. 2 percent at Paracale 5. 8 percent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *