Halos 80 libong indibidwal sa Camarines Norte wala pang bakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Umaabot sa 79, 885 na indibidwal sa Camarines Norte ang wala pang bakuna kontra Covid- 19.

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang noong Biyernes, September 16.

Sa ngayon ay nasa 354, 497 sa target population na 434, 382 ang nakatanggap na ng bakuna kontra COVID- 19 o 81. 6 percent.

Nasa 320, 967 dito   ay fully vaccinated na o  73. 9 percent.

Ang mga nakatanggap naman ng unang booster dose ay nasa 41, 776 o 9. 6 percent at 4, 363 ang nakatanggap na ng second booster o 1 percent.

Halos hindi naman gumagalaw ang vaccination coverage sa senior citizen na nasa 75. 7 percent.

Sa target population na 46, 754 nasa 35, 386 ang nabakunahan.

Mataas na ang vaccination coverage sa 18- 59 na mayroong 245, 320 sa target na 264, 320 o 92. 8 percent.

Habang sa 12-17 ay lumagpas sa target na mayroong vaccination coverage na 60, 677 o 110. 5 percent sa target na 54, 888.

Sa kabilang dako wala pang 20 porsiento ang vaccination coverage sa edad na 5- 11.

Sa target na 68, 347 nasa 13, 114 pa lang o 19. 2 percent ang nababakunahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *