China, bumuo ng prototype miniature helicopter para sa Mars missions

Inihayag ng space science agency na gumawa ang China ng protoype miniature helicopter para magamit sa pagmamasid ng future Mars missions. Kasunod ito ng makasaysayang pag landing ng isang robotic rover sa Red Planet noong nakaraang buwan.

Ang nasabing prototype ay hawig sa robotic helicopter Ingenuity na binuo ng NASA para sa perseverance mission ngayong taon ayon sa website ng China’s National Space Science Center nito lamang Huwebes.

Matatandaang noong May nang lumapag ang kauna-unahang mission ng China sa Mars.

Pangalawa sa US ang China na nakagawa ng ganitong mission.

Kaugnay nito ang advanced rover naman ng NASA ay lumapag noong Pebrero

Mula sa NASA rover, ang Ingenuity ay gumawa ng inaugural flight noong Abril. Isa sa unang matagumpay na deployment ng powered aircraft sa buong mundo. (VANESSA FERNANDEZ – BRIGADA INTERN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *