Cloud seeding, itatakda sa Angat Dam mula March hanggang April

Inanunsyo ng National Water Resources Board (NWRB) na isasagawa ang cloud seeding operations sa Angat Dam mula March hanggang April upang mapaangat ang water level nito.

Sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. na inilatag na nila ang mga kakailanganin para mapanatili ang sapat na water supply sa gitna ng tag-init.

Ayon kay David, makikipag-ugnayan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System sa PAGASA upang ma-monitor ang timing at pagbuo ng ulap.

Una nang sinabi ng PAGASA na maaring umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam sa June, matapos makita sa pinakahuling datos ang pagkakapareho ng sitwasyon nito sa 2010 water crisis.

Dahil diyan ay sinabi ni David na nag-adjust na sila ng alokasyon ng tubig para sa irigasyon at nag-activate ng ilang deep wells para mapaigting ang suplay ng tubig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *