CNPPO nagpatupad ng balasahan sa anim na himpilan ng pulisya at 2ND PMFC

CAMARINES NORTE – Nagpatupad ng balasahan ang Camarines Norte Police Provincial Office sa pangangasiwa ni Provincial Director PCOL Julius D Guadamor sa mga mamumuno  sa anim na Police Stations sa probinsya, kabilang ang Force Commander ng 2nd PMFC

Matapos ang balasahan ay sinundan na rin ito ng turn over ceremony na ginanap nitong ika-16 ng Hunyo 2021 sa Lakan Conference Hall, Camp Wenceslao Q Vinzons Sr, Daet, Camarines Norte.

Ang nasabing paggalaw ay resulta ng pag-aaral at desisyon ng Command Group at Staff ng CNPPO at pagtaya sa kanilang indibidwal na performance sa kanilang trabaho.

Isa rin sa isina-alang-alang ay ang aspeto ng seniority at pagsunod sa staffing pattern ng PNP.

Narito ang mga detalye ng paglipat at pagtanggap ng tungkulin sa mga nataitalagang:

A.     PCPT EDWIN C ADORA, ACOP ng Jose Panganiban MPS ay pinalitan ni PMAJ ALEXANDER S ALVAREZ bilang Officer-in-Charge;

B.     PMAJ ELEZALDY C CALINGACION COP ng Paracale MPS ay pinalitan ni PCPT EDWIN C ADORA bilang Officer-in-Charge;

C.     PMAJ STEPHEN H CABALTERA, COP ng Sta. Elena MPS ay pinalitan ni PMAJ KIM LAWRENCE R ARENAS bilang Officer-in-Charge;

D.     PCPT CONRADO R DE VERA JR, Officer-in-Charge ng Basud MPS ay pinalitan ni PMAJ ELEZALDY C CALINGACION bilang Officer-in-Charge;

E.     PLT ROSALINDA B TENSA, Officer-in-Charge ng Talisay MPS ay pinalitan ni PCPT CONRADO R DE VERA JR bilang Officer-in-Charge;

F.     PLT JAY P BACERDO, Officer-in-Charge ng San Lorenzo Ruiz MPS ay pinalitan ni PCPT CHRISTOPHER A LOGRONIO bilang Officer-in-Charge,

G.     PCPT CHRISTOPHER A LOGRONIO, CNPPO HRDD Officer ay pinalitan ni PLT JAY P BACERDO, at

H.     PMAJ MELVIN B ATACADOR, Officer-in-Charge ng CN 2nd PMFC ay pinalitan ni PLTCOL MORGAN B AGUILAR bilang Force Commander.

Bilang pagkilala sa mga magagandang nagawa at di-matawarang accomplishments ng mga nabanggit na opisyal sila ay pormal na binigyan ng Certificate of Recognition ni PCOL GUADAMOR.

Sa kanyang mensahe, hinamon niya na panatilihin ang mga magagandang nasimulan na sa larangan ng pagpapanatili ng katahimikan sa komunidad.

Ipinabatid din niya sa lahat na isipin ang kapakanan ng mga taong pinagsisilbihan at mga kasama sa trabaho. Mahigpit na ipinaalala niya ang kasalukuyang programa ng Chief, PNP at ang patuloy na pagpapatupad nito sa lahat ng sulok ng probinsya.

Dalangin ni PCOL GUADAMOR na maging ehemplo ang mga bagong-talagang opisyal sa larangan ng serbisyo-publiko.

Sa huli, sinabi niyang ang prinsipyo ng “𝑺𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐, 𝑫𝒊𝒔𝒊𝒑𝒍𝒊𝒏𝒂 𝒂𝒕 𝑴𝒂𝒍𝒂𝒔𝒂𝒌𝒊𝒕” na dapat tumimo sa bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *