Comelec, ilalabas ang final lists ng 2022 bets sa Disyembre

Inaasahan ng Comelec na sa Disyembre na ilalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, sisikapin muna ng poll boody na matanggal lahat ng mga pangalan ng nuisance candidates sa pagitan ng Oktubre hanggang Nobyembre.

Dagdag ni Jimenez, 97 na mga indibidwal ang naghain ng kanilang COCs pagkapangulo, habang 28 para sa vice presidency.

Nkikita naman nito na hindi lalagpas ng 10 ang matitira sa mga naghain pagkapangulo.

Mababatid na ang paghahain ng COC ay isinagawa noong October 1 hanggang 8, habang ang substitution ng mga kandidato ay ihahain hanggang sa November 15. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *