COMELEC ISABELA, nakikipag-ugnayan na sa deped-isabela para sa paghahanda sa 2022 election

Nagsimula na ang Isabela Provincial Commission on Election sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education upang magkaroon ng inisyal na mga personnel na magagamit sa 2022 Local and National Election.

Ito ang inihayag ni Isabela Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo Jr sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, sisimulan na ng COMELEC Isabela ang preparasyon sa nalalapit na eleksyon kung saan sa susunod na buwan batay sa kanilang pikikipag-ugnayan sa DepEd-Isabela ay magsisimula nang tukuyin ang mga personnel na maglilingkod sa nalalapit na eleksyon.

Dagdag pa niya, nakatakda umanong ilunsad ang pagkakaroon ng digital certificate o signature na isasama sa i-button ng counting machine.

Ito aniya ay bilang dagdag seguridad upang maberipika kung tunay o sino ang nagpadala ng data.

Ayon pa kay Atty. Castillo, sa ngayon ay wala pa umanong napagpapasyahan ang COMELEC ukol sa magiging takbo ng eleksyon at guidelines sa pangangampanya.

Habang magtatapos naman aniya ang pagpaparehistro sa September 30, 2021 at pagsapit ng buwan ng Oktubre ay magsisimula na ang filing ng Certificate of Candidacy.

Dagdag pa niya, bagaman wala pang inilabas na guidelines ay may posibilidad na mayroong iskedyul ng filing ng COC kung saan maaring hindi na umano ito katulad ng dati na sasama sa opisina ng COMELEC ang mga supporters ng mga kandidato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *