COMELEC itinuturing ang Basilan bilang “highly contested area” sa 2022 Elections

Itinuring ng Commission on Elections ang lalawigan ng Basilan bilang isang “highly contested area” para sa May 2022 Elections dahil sa karahasan na may kaugnayan sa botohan.

Ayon sa Comelec, lahat ng 11 munisipalidad ng Basilan ay masasabing ‘highly contested’.

Samantala, may kabuuang 41 barangay sa lalawigan naman ang binabantayan bilang “area of ​​concern.”

Dahil dito kung kaya’t nakipag-ugnayan na ang Comelec sa pulisya at militar tungkol sa sitwasyon.

Sa kabilang banda, sinabi ng mga awtoridad na mayroon silang sapat na tauhan upang mapanatili ang kapayapaan sa mga lugar sa lalawigan na itinuturing na “highly contested areas”.

Kabilang sa mga naiulat na karahasan na nauugnay sa halalan sa Basilan ay ang pagpatay kay Al-Barka Mayor Darussalam Lajid, at ang tangkang pag-atake ng bomba sa isang bahay ng isang mayoral aspirant sa munisipalidad ng Akbar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *