Batangas, Quezon, at Rizal provinces nananatili sa moderate risk ng COVID-19 – OCTA

Nanatili sa moderate risk ang COVID-19 average daily attack rate o (ADAR) sa Batangas, Quezon, at Rizal provinces ayon sa independent monitoring group na OCTA Research.

Sa isang tweet, ipinakita ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang ADAR para sa Batangas ay nasa 9.56, nasa 9.55 sa Rizal, at 5.30 naman sa Quezon.

Ang ADAR ay tumutukoy sa insidente na nagpapakita ng average na bilang ng mga bagong kaso sa isang panahon bawat 100,000 tao.

Samantala, nanatili sa “moderate risk” classification ang National Capital Region at Region 4A para sa COVID-19.

Parehong ang Cavite at Laguna ay may growth rate na -65%, na sinundan ng Rizal na may -62%. Ang Quezon ay may -55% growth rate, habang ang Batangas ay may -51%.

Samantala, nagtala ang NCR ng -54% growth rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *