COMELEC Legazpi, magkakaroon ng proyektong clustering ng mga presinto bilang paghahanda sa darating na barangay at SK election

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) Legazpi na on-going ang kanilang paghahanda para sa darating na barangay at SK elections.

Sa pahayag ni COMELEC Legazpi Election Officer, Atty. Connie del Castillo sa Brigada News FM Legazpi, sinabi niyang magkakaroon sila ng proyektong clustering ng mga presinto bilang bahagi ng kanilang preparasyon.

Aniya, ika-cluster ang mga precinct numbers upang sa isang silid-aralan ay mayrooong partikular na bilang lamang ng mga regular at SK voters.

Maliban umano sa clustering, mayroon din silang pag-iinspeksyon sa mga voting centers o silid-aralan na mga ginagamit sa eleksyon upang matiyak na maayos at ligtas ang mga botante.

Samantala, nilinaw din ni Del Castillo na wala pang ibinababang resolusyon ang COMELEC central office kung mayroon pa bang ipatutupad na safety protocols na may kaugnayan sa COVID-19 sa mismong araw ng elesksyon, subalit anumang desiyon ang ipalabas ng komisyon, asahan umano ang update ng kanilang tanggapan at umaasa rin silang tatalima ang publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *