Zelensky inaanyayahan si Xi Jinping na bumisita sa Ukraine

Nagpaabot ng imbitasyon si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Chinese President Xi Jinping na bumisita sa kanilang bansa.

Hindi pa nakakapag-usap si Xi kay Zelensky mula nang salakayin ng Russia ang Ukraine ngunit naglathala ang China ng 12-point plan nito para sa isang political resolution ng krisis sa Ukraine noong nakaraang buwan.

Kasama sa panukala ng China ang panawagan para sa isang de-escalation at mawakasan na ang tigil-putukan sa Ukraine.

Ngunit tinanggihan ng Estados Unidos ang panukala, matapos tanggihan ng China na kondenahin ang Russia sa pagsalakay nito sa Ukraine.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *