Comelec, pormal nang binuksan ang source code review para sa 2022 polls

Pormal nang binuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang local source code review ng automated election system (AES) na gagamitin sa May 2022 polls.

Ang review period na magtatagal ng halos anim na buwan ay naglalayung matiyak ang transparency sa election system at madetect ang posibleng banta na maaring makaapekto sa magiging resulta sa integridad ng halalan.

Ang pagbubukas ng source code review ay ipinag-uutos sa ilalim ng Republic Act 8436 o ang Automated Elections Law.

Nakasaad sa batas na kailangan payagan ng komisyon ang political parties at mga kandidato o ang kanilang mga kinatawan, citizens’ arm o kanilang mga representatives na suriin o itest ang makina para matiyak na ang system ay nag-ooperate ng maayos at tama.

Ang source code ay tumutukoy sa set ng instructions, statements o human readable language na nagsasabi sa computer kung anu ang gagawin. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *