COMELEC sa 2022 polls – ‘best election so far’

Naniniwala ang Commission on Elections na ang katatapos lamang na halalan nitong Mayo a-nueve ang maitutuiring nila bilang pinaka-maayos na eleksyon sa Pilipinas.

Ito ay sa kabila ng mga naranasang aberya sa mga SD cards at mga pumalyang mga vote counting machines.

Ayon kay COMELEC Commisisoner George Garcia, itinuturing nila ang halalan 2022 bilang ‘best election so far’ dahil ito ang eleksyong mayroong pinaka-kaunting naging problema.

Sinabi naman ni COMELEC acting Spokesperson Dir. John Rex Laudiangco na naging ‘credible’ ang resulta ng halalan dahil bawat hakbang sa nagdaang eleksyon ay naging transparent at binantayan ng lahat ng mga citizen arms at mga watchdogs.

Samantala, sa isang panayam naman, sinabi ng bagitong senador at brodkaster na si Senator-elect Raffy Tulfo na susuportahan nito ang mga panukala para sa pagdagdag pondo ng COMELEC.

Ito ay gagamitin sa pagbili naman ng mga bagong VCMs na gagamitin sa susunod na halalan.

Mababatid na sa katatapos lang na national and local elections, ‘refurbished’ VCMs lamang ang ginamit ng COMELEC dahil wala itong nakuhang pondo para bumili ng mga bagong makina.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *