Solidarity march kontra open-pit mining sa SoCot, dinagsa

KORONADAL CITY — DINAGSA ang solidarity march na inorganisa ng Diocese of Marbel kontra sa inaprobahang ordinansa na nag-aalis sa open-pit mining method ban sa South Cotabato.

Ang nasabing solidarity march ay isinagawa kanina umaga mula sa Christ the King Cathedral papunta sa provincial capitol ng lalawigan na dinaluhan ng mga estudyante, mga local na residente at iba’t-ibang grupo mula sa private sectors, academe, mga non-government organization mula South Cotabato, Sultan Kudarat, Davao, General Santos at iba pang mga lugar na tutol sa open pit mining.

Ipinanawagan din ni Fr. Romeo Catedral, vicar 1 ng St. Anthony Parish ang pag-veto ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr. sa ipinasang ordinansa ng Sangguniang Panlalawigan o SP.

Ayon kay Catedral, mataimtim ang kanilang dasal at umaasa na gagamitin ng gobernador ang veto power nito laban sa ordinansa.

Noong Lunes, nakalusot sa 3rd at final reading ng SP – South Cotabato ang ordinansang nag-a-amyenda sa Environmental Code ng lalawigan partikular na sa probisyon na nagbabawal ng open-pit minig method sa lalawigan.

Ang nasabing pamamaraan ng pagmimina ang pinaplanong gamitin ng Sanggitarius Mines Incorporated o SMI sa bulubunduking bahagi ng Tampakan na mayaman sa copper at gold.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *