Communication simulation flood drill ng nia mariis, matagumpay na isinagawa; ilang napansin na problema, reresolbahin

Matagumpay na natapos ang isinagawang communication simulation flood drill ng National Irrigation Administration-MARIIS ngayong araw habang ilang naobserbahang problema ang gagawan na ng paaraan upang maresolba.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay NIA-MARIIS DRD Acting Division Manager Carlo Ablan, marami umanong mga mungkahi at obserbasyon ang inihayag ng ibang ahensiya upang maihatid ng maayos ang mga warning signals.

Aniya, isa na rito ang iminungkahi ng Office of the Civil Defense Region 2 na  pagkakaroon ng virtual emergency operation center o isang online call sa pamamagitan ng google meet na magiging bukas 24/7 upang masubaybayan ang mga early warning operations na isasagawa sa oras ng kalamidad.

Dagdag pa ni Engr. Ablan, ipinarating din ng mga early warning agencies na kinabibilangan ng mga CDRRMO partikular sa Tuguegarao City ay ang pagkakaputol ng mga warning text messages dahil umano sa usage policy ng mga telephone company.

Kaugnay rito, napagdesisyunan ng NIA-MARIIS DRD, PAGASA, PDRRMC, CDRRRMC at iba pang ahensiya na magtulungan upang maipahatid sa National Telecommunications Commission(NTC) upang ang kanilang mga ginagawang text blast ay hindi maputol.

Ayon pa kay Engr. Ablan, sa parte umano ng Aurora at 3 barangay malapit sa ilog magat na kinabibilangan ng 70 households ay hindi maintindihan ang inilalabas na sound o siren ng NIA-MARIIS DRD warning stations.

Hinahanapan na umano ito ng solusyon ng kanilang tanggapan upang maiparating ng maliwanag ang early warning assistance kung saan maaring magdagdag umano sila ng early warning stations sa mga malpit sa ilog magat.

Sa kabuoan ay naging matagumpay aniya ang isinagawang aktibidad kung saan pinasalamatan naman nito ang PAGASA, PDRRMC Isabela at Cagayan, OCD, SNAP Magat Inc, CDRRMC at LGU na naging katuwang ng MARIIS at sumuporta sa isinagawang aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *