Construction worker arestado dahil sa patong-patong na kaso

Arestado sa San Pedro, Laguna ang isang 53-anyos na construction worker na nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal na may kinalaman sa RA 7610 o child abuse.

Kinilala ang akusado na si Jesus Gracilla Briones, may asawa nanainirahan sa Blessed Village Brgy Cabid-an, Sorsogon City

Inaresto ang akusado ng tracker team ng Sorsogon CPS sa Brgy Landayan, San Pedro, Laguna na bitbit ang tatlong warrant of arrest na ipinalabas ng Family Court Br 12, Sorsogon City.

Si Briones ay nasasakdal sa 3 counts of Lascivious Conduct and other sexual abuse na walang itinakdang piyansa; paglabag sa section 10 (a) o cruelty and exploitation na may itnakdang piyansa na P80K at 2 counts para sa paglabag sa section 5 (b) o child prostitution and other sexual abuse na may piyansang P200K.

Nasa kamay na ito ngayon ng mga awtoridad para ibalik sa kanyang court of origin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *