Continuous monitoring sa implementasyon ng mga LGU sa road clearing tiniyak ng DILG

CAMARINES NORTE- Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang patuloy na monitoring sa mga Local Government Unit hinggil sa implementasyon ng mga ito sa road clearing na sinimulang ipinatupad noong nakaraang administrasyon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Local Government Operations Officer VII at Cluster Head Jerwin Novio na hindi naman sila tumigil sa pagsasagawa ng monitoring sa compliance ng mga LGU.

Aniya, mayroon silang regular reporting kada buwan na isinusumite sa kanilang Regional Office na nanggaling din naman sa mga LGOO ng iba’t- ibang bayan

Wala rin umanong advisory si Interior Secretary Benhur Abalos na itigil ang road clearing operations.

Sa katunayan nang pumasok umano ito bilang kalihim ng ahensiya ay tinuloy- tuloy lang ang mga programa ni dating Secretary Ano.

Hindi naman naidetalye ni Novio ang status ng compliance ng mga munisipyo.

Alinsunod sa Memorandum Circular 2022- 065 ng DILG ipinagbabawala ang pagtatayo ng basketball  court sa kalsada, nga sasakyang naka- park sa maling lugar, rolling store sa bangketa, pagbibilad ng bahay sa kalsada, nakatambak na basura at iba pang uri ng obstruction.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *