Inagurasyon ng vegetable farmers association-market, isinagawa sa Tabaco City

LEGAZPI- Isinagawa ang Inagurasyon ng ipinatayong pamilihan/market ng Vegetable Farmers Association ng Retooled Community Support Program – Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o RCSP-GIDAS Team ng Regional Mobile Force Battalion 5 sa Barangay Tabiguian, Tabaco City, Albay.

Naging tampok sa aktibidad ang pamamahagi ng mga kagamitan sa pagsasaka at mga punla na maaaring magamit ng mga miyembro ng asosasyon sa kanilang pagsasaka.

Katuwang din sa pagsasakatuparan ng nasabing proyektong ang Tabiguian Vegetable Farmers Association, Coconut Farmers Association, KALIPI, Department of Agriculture, DILG, DTI, TESDA, DSWD, Philippine Coconut Authority, Regional Finance Service Office 5, Tabiguian Barangay Council at LGU Tabaco.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng RCSP-GIDAS na naglalayong pagyamanin ang sektor ng agrikultura at mabilis na maihatid ang mga produkto sa mga mamimili.

Nagpasalamat naman ang miyembro ng Tabiguian Vegetable Farmers Association at mga residente ng barangay sa tulong na inihandog sa kanila.

Samantalang nakiisa naman ang Pambansang Pulisya sa pagbibigay halaga at sa paglulunsad ng mga hakbang o proyekto upang mapagyaman ang ating sektor ng agrikultura sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *