COVID-19 deaths, tumama na sa 20,000 mark

Pumalo na sa 20,019 ang kabuoang bilang ng COVID-19 death toll sa Pilipinas, matapos maitala ng Department of Health ang 36 na bagong fatalities.

Sa ngayon, 1,188,672 na ang kabuoang case count, matapos madagdagan ng 3,972 na mga bagong infections.

Mula sa kabuoang kaso, 48,201 o 4.1% ang active o kasakuluyang may sakit, kung saan 92.7% ang nakaranas ng mild symptoms, 2.1% ang walang sintomas, 2.1% ang may severe symptoms, 1.6% ang nasa kritikal na kondisyon at 1.42% ang nasa moderate condition.

Samantala, ang recovery count naman ay nasa 1,120,452 o 94.3% ng total cases, matapos na gumaling ang 4,659 pang pasyente.

Hindi naman kasama sa bilang ang resulta mula sa sampung laboratoryo na bigong makasumite ng kanilang datos on time. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *