COVID-19 positivity rate sa NCR, patuloy ang pagtaas

Patuloy sa pagtaas ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa unang linggo ng Abril.

Ayon kay Octa Research fellow Dr. Guido David, mula sa  4.4% noong April 1, agad na pumalo sa 6.5% ang bilang ng mga taong nagpopositibo sa naturang sakit matapos magpa-test sa National Capital Region (NCR).

Bukod sa rehiyon ng NCR, lumampas na rin sa ibinigay na benchmark ng World Health Organization na 5% ang mga rehiyon ng Benguet, Camarines Sur, Cavite, Cebu, Davao del Sur, Isabela, Misamis Oriental, Negros Occidental, Palawan, Rizal, at South Cotabato.

Bago ito, una nang binigyang-diin ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa ay nanatiling ‘insignificant’ sapagkat ang hospital utilization ay nananatili ring mababa at ‘manageable.’

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *