Ilang lugar sa Luzon at Visayas isinailalim sa signal no. 1 dahil sa Bagyong Amang

Tuluyan nang naging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang bagyong ‘Amang’ sa layong 495 km Silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang maximum sustained winds na 45 km/h malapit ang gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h.
Kumikilos ito sa Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 20 km/h.

Dahil dito sinabi ng PAGASA na asahan ang mga pag-ulan sa Northern Samar at Eastern Samar.

Ang Central Visayas, Caraga, Bicol Region, at nalalabing bahagi ng Silangang Visayas ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Tropical Drepression Amang.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay may bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa TD Amang at localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *