CPC ng kumpanyang may-ari ng MT Princess Empress, binawi

Binawi na ng Maritime Industry Authority o MARINA ang Certificate of Public Convenience ng Reield Marine Services, Inc. na nagmamay-ari sa lumubog na barkong MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr, na ang pagbawi ng MARINA sa CPC ng kumpanya ay pamamagitan ng resolusyon na may petsang May 11.

Base sa resolusyon, napatunayang ginagamit ng kumpanya ang barkong nagdulot ng pagtagas ng langis sa karagatan ng Mindoro nang hindi awtorisado ng MARINA.

Sa kabila rin umano ng hindi awtorisadong pag-operate, ang barko ay nakapaglayag ng hindi bababa sa 17 beses bago ito lumubog noong February 28.

Sinisilip na rin ng DOTr  ang pananagutan ng ilang indibidwal sa paglubog ng barko.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *