Kampo ng suspek sa Degamo slay case, dumulog sa CHR

Dumulog sa Commission on Human Rights o CHR ang kampo ni Osmundo Rivero matapos umanong dukutin ng mga sundalo at pulis ang kanyang asawa at 2 anak.

Si Rivero ay isa sa mga inaresto dahil sa umano’y pagkakasnagkot niya sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso.

Ayon kay Atty Danny Villanueva,  legal counsel ni Rivero, kinuha umano ng mga sudnalo at pulis noong March 8 ang asawa at mga anak ng kanyang kliyente sa Pagadian , ito ay apat na araw pagkatapos ng pagpatay kay Degamo.

Ito aniya ay kahit sinabi pa ng mga sundalo at pulis na para ito sa kanilang proteksyon at nagako naman na palalayain din.

Pero giit ni Villanueva, kidnapping ang ginawa sa pamilya ni Rivero dahil pwersahan umano silang pinasama at hindi pa umano pinauuwe ang mga ito hanggang sa ngayon.

Sa huling impormasyon ng abogado, inilipat na sa kostodiya ng NBI ang pamilya ni Rivero kaya nakiusap ang kampo nito sa CHR na imbestigahan ang pangyayari.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *