Curfew sa Metro Manila, pinaikli na mula 12AM hanggang 4AM- MMDA

Simula bukas, June 15, paiikliin na ang curfew sa Metro Manila mula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 4 ng madaling araw, sa halip na alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw. 

Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ngayong araw. 

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Abalos na ito ang napagkasunduan ng mga alkalde sa Metro Manila sa naging pagpupulong noong Sabado ng gabi. 

Aniya, ilalabaas ngayong araw o bukas ang resolusyon para sa pinaikling curfew.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *