CVMC, inilunsad ang telemedecine program

Inilunsad ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang telemedicine o ang digital na libreng konsultasyon sa mga pasyente na hindi makakapunta sa mga pagamutan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Dr. Glenn Mathew Baggao, ang Center Chief ng CVMC, nitong June 14 lamang ito sinimulan at layunin nitong matulungan ang mga pasyente na mabigyan ng serbisyong medikal sa pamamagitan ng digital platform.

Aniya, maaring magpakosulta rito ang mga pasyenteng dati nang nanggaling sa hospital katulad ng mga COVID-19 patients o kahit na sinong may nais ipakonsulta at hindi makapunta sa ospital dahil sa restrictions.

Ayon pa kay Dr. Baggao, bukas ang kanilang telemedicine simula araw ng  Lunes hanggang Biyernes maliban na lamang sa holiday sa mga oras na alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon para sa lahat ng pasyente sa Region 2 at karatig rehiyon.

Aniya, makakatulong ito upang maiwasang ma-expose sa COVID-19 ang mga pasyente nila lalo pa’t isang referral hospital ang naturang pagamutan ng mga tinatamaan ng nasabing sakit.

Bagaman, sa unang paglulunsad nila ng Telemedicine ay mayroong nagme-message aniya subalit hindi na rin tumutugon kapag tinatawagan.

Samantala, muli namang nagpaalala si Doc Glenn sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols.

Ayon pa sa kaniya, marapat lamang na huwag munang itigil ang pagususot ng face shield lalo na kung nasa loob ng enclosed facilities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *