Clippers pasok na sa WCF, nasilat ang Jazz matapos ang 25-point comeback win

Nasilat ng Los Angeles Clippers ang no. 1 seed na Utah Jazz sa pamamagitan ng 25-point comeback win sa Game 6 ng NBA Western Conference semi-finals, 131-119.

Dahil dito tuluyan nang na-eliminate ang Jazz sa playoffs matapos matalo ng apat na magkakasunod sa Clippers.

Susi sa panalo ng Los Angeles ang hindi inaasahang career-high 39 points ni Terance Mann.

Sa unang dalawang yugto ng laban ay naging mainit ang shooting ng Utah kung saan lumamang pa ito ng hangang 22 points.

Lumobo pa ito sa 25 puntos sa pagsisimula ng 3rd quarter.

Subalit biglang uminit ang kamay ni Mann na nagtala ng 20 points sa 3rd quarter na naging daan para makabalik ang Clippers.

Nag-ambag din si Paul George ng 28 points habang may 27 points si Reggie Jackson.

Sa Jazz, humakot ng 39 points si Donovan Mitchell.

Nasa 21 puntos naman ang naiposte ng Pinoy pride na si Jordan Clarkson subalit inalat na ito sa second half ng laro.

Sunod na makakalaban ng Clippers ang Phoenix Suns na una nang umabanse sa Western Conference Finals matapos i-sweep ang Denver Nuggets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *