DA, pabor na ibenta ang mga smuggled sugar sa mga Kadiwa stores

Papayagan ng Department of Agriculture (DA) na maibenta sa mga Kadiwa store ang mga nakumpiska kamakailan na mga smuggled sugar, sa harap ng mungkahi ng Sugar Regulatory Administration (SRA).

Ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez, na ang 4,000 metric tons ng Thailand white refined sugar na nakumpiska sa Batangas ay hindi na kailangan ng phytosanitary certificate, sa halip ay import permit lang mula sa SRA, bago maibenta sa Kadiwa Rolling Stores na pinapatakbo ng DA.

Dagdag ni Estoperez, inaabisuhan na nila si Pangulong Bongbong Marcos kaugnay dito, upang ma-enjoy ng publiko ang murang halaga ng asukal.

Maliban dito, susulatan din umano nila ang Department of Finance kung saan nasa ilalim ang Bureau of Customs (BOC) na kung maari, pagnatapos ang protocol ay pwede na itong maibenta sa Kadiwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *