DA, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas at karne sa bansa ngayong darating na holiday season

Magiging sapat umano ang suplay ng bigas at karne sa bansa ngayong darating na holiday season.

Ito ang tiniyak ng Department of Agriculture (DA) sa gitna nang nararanasang kakulangan sa suplay ng ilang mga produktong agrikultural sa Pilipinas.

Batay sa supply outlook ng National Rice Program, lumalabas na may pagtaas sa lokal na produksyon ng palay.

Ayon sa DA, malaking bahagi ng suplay ang locally produced rice at ang produksyon ng mga magsasaka ay sapat na upang matugunan ang pangangailangan sa pagtatapos ng taon.

Kasabay nito, kinumpirma rin ng livestock group ng DA na sapat din ang suplay ng mga lokal na karne ng manok at baboy.

Hanggang sa unang bahagi ng 2023 inaasahang magiging masagana ang supply, batay pa sa pagtaya ng ahensya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *