Daan-daang mga aso at pusa sa Naga nakatanggap ng serbisyo kaugnay ng Rabies Awareness Month

NAGA CITY- Daan-daang mga aso at pusa sa Naga ang nakatanggap ng serbisyo-beterinaryo ng City Veterinary Office kaugnay ng Rabies Awareness Month ngayong Marso.

Dinagsa ng mga pet owners kahapon Marso 23 ang aktibidad. Kasama sa mga serbisyo ang  libreng pakapon, deworming at konsultasyon kasama ang  St. Roch Animal Bite Center, UNAHCO at ARATON.

Una nang sinabi ni Dr. Junius Elad na regular ang kanilang mga programa para sa kalusugan ng mga alagang hayop at paglaban sa rabies. Nagkakaroon ng house-to-house vaccination, umiikot din sa mga barangay para sa iba pang serbisyo at mayroong dog catching activity upang mahuli ang mga galang aso.

Ayon sa pag-aaral ang pagpapakapon o castration ay nakakatulong upang maging malusog ang alaga, napapahaba rin ang lifespan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *