Daan-daang tropa ang napatay sa laban sa Bakhmut ayon sa Ukraine at Russia kung saan dinepensahan ng Kyiv ang walang tigil na pag-atake sa isang maliit na ilog na naghahati sa bayan.
Ayon kay Ukrainian military spokesperson Serhiy Cherevatyi, 221 pro-Moscow troops ang napatay habang mahigit sa 300 naman ang nasugatan sa bakhmut.

Sinabi naman ng Russia’s defense ministry, umanot sa 210 Ukrainian soldiers ang napatay sa sa sektor ng Donetsk ng frontline
Habang hindi naman matukoy ng Moscow ang bilang ng mga nasawi sa Bakhmut, ang silangang bayan ng Donetsk ay naging lugar ng isa sa mga pinakamadugo at pinakamahabang labanan ng isang taon na gyera.//CA