Dalawang bagong recovery sa COVID- 19 naitala sa bayan ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng dalawang bagong gumaling sa COVID- 19 ang bayan ng Mercedes, Camarines Norte batay sa  inilabas na datos kahapon ng Municipal Health Office.

Dahil dito umabot na sa kabuuang 48 ang mga gumaling sa sakit sa naturang bayan.

Mayroon namang kabuuang 58 kaso ng COVID- 19 ang naitala at tatlo na lang ang aktibong kaso.

Dalawa sa mga aktibong kaso ay nasa Ligtas Covid Center ng Lokal na Pamahalaan habang ang isa naman ay nagpapagaling sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Pinakamarami ang naitalang kaso sa Barangay San Roque na mayroong 17 habang siyam na barangay naman ang nanatiling COVID- 19 free.

Pagdating naman sa Healthcare utilization, nasa 20 % lang ang occupancy rate ng mga nagpositibo sa sakit sa Mercedes Ligtas Covid Center dahil dalawa lang sa sampung beds ang nauukupa.

Sa close contacts 16 % ang occupancy rate dahil 6 lang sa 37 beds ang nauukupa kaya’t mayroon pang 31 available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *