Dalawang palaka, ikinasal sa India

NAPAPA “SANA ALL” ngayon ang ilang mga netizens online matapos mag viral ang isang nakakatuwang balita tungkol sa dalawang palaka na pinag-isang dibdib sa Uttar Pradesh, India.

Batay sa ulat, ikinasal ang dalawang palaka dahil bahagi ito ng ritwal upang umulan sakanilang lugar at agad na matapos ang tagtuyo.

May paniniwala kase ang mga Indian na ikinatutuwa ng Hindu Rain God na si “Lord Indra” kapag ikinakasal ang dalawang palaka kaya’t nagbibigay ito ng masaganang buhos ng ulan.

Idinaos ang naturang ‘frog wedding’ sa Kalibari Temple na dinaluhan naman at inorganisa ng mga monghe at maging ng mga residente sa lugar.

Ayon sa ilang mga dumalo sa kasal, mabisang ritwal ang pagpapakasal sa dalawang palaka dahil noong labis-labis na nakaranas ng pag-uulan ang India, nag desisyon silang isailalim sa diborsyo ang dalawang palakang ikinasal upang matigil ang labis na pag-ulan.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *