Dalawang pilot school na nagpapatupad ng MATATAG Curriculum sa region 2, binisita ni VP Duterte

Nangako si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na patuloy ang pagbibigay ng suporta ng gobyerno upang maisakatuparan ang mga programa ng Kagawaran ng Edukasyon sa bansa.

Sa kaniyang pagbisita kahapon sa dalawang pilot school sa Isabela na nagpapatupad ng MATATAG Curriculum, ang General Emilio Aguinaldo National High School sa Ramon Isabela at Lanna National High School (LNHS), sa Tumauini Isabela, tiniyak nito ang suporta ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

Nakipag –dayalogo din ang pangalawang pangulo kasama si DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda, sa mga guro at magulang upang mangalap ng mga puna at isyu kaugnay sa implementasyon ng bagong curriculum.

Binigyang diin nito sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon at patuloy ang kaniyang pakikipag ugnayan sa mga education expert upang i-review ang dating curriculum.

Pinayuhan nito ang mga estudyante na pahalagahan ang edukasyon at mag aral ng mabuti, ang gobyerno ay patuloy na aalalay upang maibigay ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang pag aaral.

Nagsimula ang implementasyon ng matatag curriculum ngayong taon at apat sa limang pilot-implementing schools sa Rehiyon Dos ay mula sa SDO-Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *