Naitatalang krimen sa region 2, bumaba

Bumaba ng 26.60% ang naitalang krimen ng Police Regional office 2 simula Enero 1 hanggang April 15 taong kasalukuyan base sa ipinalabas na datos ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) kahapon.

Nakatuon ito sa 8 focus crime na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft, at rape mula sa 324 noong 2023 bumaba ito sa 254 ngayong taon.

Base sa datos,nakapagtala na ang PRO 2 ng walumpung kaso ng rape ngayong taon kumpara sa 130 noong nakaraang taon, physical injury na bumaba ng labing lima o 36.59% sa bilang na 26 ngayong taon kumpara sa 41 noong nakaraang taon,labing dalawang kaso ng murder, robbery 37, theft 65, at carnapping 20.

Nakapagtala ang Cagayan ng 81 index crime,Isabela 95,Nueva Vizcaya 52,Santiago City 13,Quirino 11 at ang batanes dalawa.

Binigyang diin ni PRO 2 Regional Director Police Brigadier General Christopher Birung ang patuloy na pagbaba ng krimen ay dahil sa patuloy na crime prevention effort ng mga kapulisan sa Lambak Cagayan at tulong ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *