Dating pasabilis ng NPA, kusang sumuko sa pamahalaan

Kusang sumuko sa pamahalaan ang dating pasabilis ng Communist Terrorist Group dala ang kaniyang mga improvised shotgun na may dalawang bala kahapon sa Alcala, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, ang sumukong indibidwal ay 44-anyos kung saan napasuko ito sa isinagawang oprasyon ng Allacala Police Station ay iba pang law enforcement agencies.

Una umanong nahikayat ito na sumapi ng isang supporter ng NPA na bumibisita sa kanilang barangay at nagsasagawa ng pagpupulong sa mga kabataan.

Dito umano sila nanghihikayat ng mga sasali sa kanilang underground movement.

Nagsilbi umano itong tagabigay ng pagkain ng mga NPA at itinalaga rin bilang kanilang pasabilis.

Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng aktibidad ng PNP sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang mahikayat pang sumuko ang mga natitirang kasapi ng kilusan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *