PHIVOLCS, may paglilinaw tungkol sa impormasyong pinapayagan na umano nila ang mga rescuers na pumunta sa mismong Cessna 340 plane crash site

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi sila nagbibigay o nagde-deny ng permiso sa mga rescuers para sa paghahanap sa apat na pasaherong sakay ng Cessna 340 plane bagkus ay “recommendatory” lamang sila batay sa kasalukuyang status ng bulkang Mayon.

Sa pahayag ni PHIVOLCS resident volcanologist Dr. Paul Alanis sa Brigada News FM Legazpi, ang kanila umanong rekomendasyon ay iwasang pumasok sa 6km permanent danger zone ng bulkan.

Subalit dahil din sa kinakailangan ng kagyat na tugon para sa hindi pa matagpuang mga pasahero ng eroplano, inabisuhan nila ang mga otoridad tungkol sa mga peligro na possible nilang maranasan sa bulkan.

Aniya, nasa lokal na pamahalaan na raw ito kung papayagan nila o hindi ang mga rescuers na ipagpatuloy ang pagpasok sa loob ng PDZ.

Wala din naman silang ibinigay o ibibigay na target na distansiya kung hanggang saan lamang sila maaaring pumunta dahil ang target nila ay ang mahanap ang mga pasaherong nawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *