DBM, inaprubahan ang mahigit 335M share ng BARMM

Inaprubahan ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman ang mahigit 335 million pesos na share ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na nakolekta ng gobyerno sa rehiyon.

Ang pagpapalabas ng pondo ay nangangahulugan ng mas maraming development projects na ipatutupad  para sa mga mamamayan at pamahalaan ng BARMM.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law, ang National Government ay magkakaroon ng 25 percent ng share taxes habang ang Bangsamoro Government ay mayroong 75 percent na kabahagi sa buwis.

Nauna ng nangako si Sec. Pangandaman na isusulong niya ang inclusive development sa Mindanao. Siya ang nag-iisang Muslim na miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. //CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *