De Lima, bukas sa panawagang home arrest

Bukas umano ang kampo ni dating senadora Leila de Lima na opsyon na humiling ng house arrest kasunod ng naganap na hostage-taking incident sa kanyang detention facility.

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ni de Lima sa alok kahapon ni Pangulong Bongbong Marcos na ilip;at siya ng detention faciity.

Sa isang panayam, sinabi ng abugado nito na si Atty. Boni Tacardon na paguusapan ngayong araw ang posibilidad ng paghahain ng mosyon sa Korte para sa extended home furlough sakali mang pumayag si de Lima.

Sa kabila nito, nilinaw ni Tacardon na walang ibinigay na alok ang Department of Justice at ang Philippine National Police para sa extended furlough.

Kaugnay nito, umapela naman ang isa pang abugado ni de Lima na si Atty. Dino de Leon na magkaroon ng mas mahigpit na imbestigasyon sa insidente.

Aniya, bagamat pinasasalamatan nila ang mga PNP sa mabilis nitong aksyon, marami pa ring mga tanong ang dapat masagot.

Kabilang na rito ang tanong kung papaanong nakalusot ang hostage-taker sa gitna ng mahigpit na seguridad sa detention facility.

Ngayong hapon, dumalo pa rin si de Lima sa pagdinig ng kanyang Criminal Case No. 167 sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256.

Ilang mambabatas, muling nanawagan ng kalayaan ni dating senadora de Lima

Naniniwala ang ilang mga mambabatas na maaaring imbestigahan sa Kongreso ang naganap na hostage-taking kay dating senadora Leila de Lima sa loob ng kanyang detention facility.

Hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang Philippine National Police na magkaroon ng masusing imbestigasyon at maayos na paliwanag kung paano nangyari ang insidente.

Umapela rin ang opposition senator na dapat masiguro ng PNP na hindi na mauulit ang ganitong uri ng insidente.

Sinagot naman ni Independent Minority, Albay 1st District Rep.Edcel Lagman ang mungkahing ilipat ng detention facility ang dating Senadora.

Aniya, imbis na alukin ni Pangulong Bongbong Marcos ng pasilidad si de Lima, bakit hindi nito tutukan ang kaso nang mapatunayang gawa-gawa lamang ang drug charges na inihain laban sa kanya.

‘In the aftermath of the hostage-taking of former Senator Leila de Lima, instead of giving her the option to be transferred to another jail as suggested by President Marcos, Jr., she must be granted freedom from a five-year odious and solitary confinement on fabricated drug charges.’ wika ni Lagman.

Naniniwala naman si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na dapat imbestigahan kung saan nakalusot ang armas na ginamit ng hostage-taker na nagresulta sa marahas na insidente.

Giit niya, dapat ay magsilbi na itong ‘wake up call’ sa administrasyon para tapusin na ang maling pagkulong kay de Lima.

‘It is alarming that armed detainees can easily gain access to the maximum security custodial center within the PNP National Headquarters. We demand an immediate probe over this violent incident. This should serve as a wake-up call for the Marcos Jr. administration to not only transfer Sen. de Lima to another facility but to immediately release her from this unjust detention’ ani Brosas.

Inihirit din ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na dapat mabigyan ng pagkakataong makapag-piyansa si de Lima lalo na’t nagsipag-recant na ang mga testigong nagdidiin sa kanya sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

‘With the recent, foiled hostage taking victimizing former Senator Leila de Lima, it is urgent that she be freed immediately or at least be granted bail as more of the witnesses against her already recanted their statements and said that these were made under duress’ giit ni Castro.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *