Death toll sa COVID-19 sa Bicol pumalo na sa 716 sa kabuuang 19, 787 na kasong naitala

BICOL—Siyam na panibagong kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19 ang nadagdag sa Bicol region base sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Apat nito ay mula sa lungsod ng Naga, tatlo sa Camarines Sur at dalawa sa Camarines Norte. Sa kabuuan ay pumapalo na sa 716 ang death toll sa sakit.

Samantala, 75 panibagong kaso naman ang nadagdag kung saan pinakamarami nito ay nagmula sa Camarines Norte na nasa 19. Pito ang naitala sa bayan ng Daet, apat sa bayan ng Labo, tigdalawa ang bayan ng Basud at Sta. Elena at tig-iisa ang mga bayan ng Capalinga, Paracale, Talisay at Vinzons.

Ang Camarines Sur ay nagtala ng 17 bagong kaso kung saan lima nito ay mula sa lungsod ng Naga, apat sa bayan ng Calabanga, dalawa sa bayan ng Magarao at tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Canaman, Goa, Lupi, Pili at Tigaon.

14 na kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan anim nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Bulusan at tig-iisa ang mga bayan ng Donsol, Gubat, Irosin, Magallanes, Pilar at Prieto Diaz.

13 kaso ang naitala sa Albay kung saan pito nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, apat sa lungsod ng Tabaco at dalawa sa bayan ng Guinobatan.

Siyam na kaso ang nadagdag sa Masbate kung saan apat nito ay mula sa Masbate City, tigdalawa ang bayan ng Aroroy at Balud at isa sa bayan ng Pio V. Corpuz.

Isang kaso naman ang naitala sa Catanduanes na nagmula sa bayan ng Virac habang mayroon ding dalawang nagpositibo na mula sa labas ng Bicol pero dito na nairecord.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 19, 787 ang kaso ng COVID-19 na naitala sa buong Bicol mula nang mag-umpisa ang pandemya.

Sa mga kasong ito, 15,450 na ang mga gumaling kung saan 62 ang nadagdag ngayong araw. 42 ang mula sa Naga City, 12 sa Sorsogon at walo sa Catanduanes.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *