DepEd Naga, bukas sa kung anuman ang desisyon ng Central Office hinggil sa Comprehensive Sexuality Education

NAGA CITY – Bukas ang Department of Education Naga sa kung anuman ang magiging desisyon ng Central Office hinggil sa sistema ng pagtuturo ng Comprehensive Sexuality Education.

Matatandaan na suportado ng DepEd ang panukala sa Senado na gawing compulsory ang Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa lahat ng antas ng basic education at i-standardize sa layuning pigilan ang teenage pregnancy.

Sa panayam kay Dr. Manny De Guzman, School Division Superintendent ng DepEd Naga, sinabi nitong nagpapatuloy ang kanilang mga training sa mga guro at patuloy na gumagawa ng mga instructional resources comprehensive sexuality education, mga lesson exemplar kung paano maituturo sa mga estudyante lalo na’t napakasensitibo ng usapin.

Sa pakikipag-usap naman kay City Councilor, Lito Del Rosario, Chairman of Committee on Education sa lungsod, sinabing dapat na maituro sa mga estudyante nang walang restrictions, nararapat sa edad ng isang estudyantem suportado ng konseho ang DepEd sa usapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *