DFA: 22 karagdagang Pilipino, dinapuan ng COVID-19 sa abroad

Naiulat ng Department of Foreign Affairs na nadagdagan ng 22 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Sinabi ng DFA na dahilan ito para umakyat sa 18,479 ang kabuoang bilang ng mga overseas Filipinos na nagka-COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, ay nasa 6,026 ang nanatiling aktibong kaso at sumasailalim sa treatment.

Ipinunto rin ng DFA na umakyat sa 11,306 ang recoveries, kabilang na ang 14 na Pilipino na kagagaling lang mula sa nakamamatay na sakit.

Samantala, nanatili naman sa 1,147 ang bilang ng mga Pilipino na nasawi sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa COVID-19.

Mababatid na nasa Middle East / Africa ang pinakamaraming Pilipino na tinamaan ng COVID-19 kung saan ay umabot ang infections nito sa 10,453 kabilang na ang 747 deaths at 5,902 recoveries.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *